DILG, muling inilunsad ang kampanya nito para sa pagbabago sa Saligang batas

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government ang relaunch o muling pagkampanya sa layunin ng gobyerno na itulak ang pagbabago sa Saligang batas

Ang bagong campaign na tatawaging Constitutional Reform o CORE ay alinsunod sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na susugan ang ilang probisyon na tutuldok sa korapsiyon at magpaandar sa ekonomiya.

Sa isang statement, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na mismong si Committee Chair Representative Rufus Rodriguez ang humiling ng amendments.


Kabilang sa CORE amendments ay ang pagpapahintulot sa Local Government Units na ma-source out ang Internal Revenue Allotment mula sa national taxes at hindi sa nakokolekta ng Bureau of Internal Revenue.

Facebook Comments