
Nakialam na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa usapin ng kung sino ang dapat maitalagang acting vice mayor ng General Tinio, Nueva Ecija.
Sa isang kautusang pinalabas ni Interior Secretary Junvic Remulla, itinalaga bilang OIC Vice Mayor si 1st Ranked Sanggunian Bayan Member Sherry Ann Bolisay.
Nauna rito, nagkaroon ng vacancy sa pagka- mayor ng General Tinio dahil naka- sick leave si Mayor Isidro Pajarillaga.
Umakyat na acting Mayor si Vice Mayor Melvin Pascual.
Pero, sa halip na maitalagang acting vice mayor si Bolisay, ang SK ang itinalaga ni acting Mayor Pascual bilang presiding officer ng Sangguniang Bayan.
Ito ang naging dahilan upang sumulat na ang limang konsehal para ipaalam sa DILG ang nangyayari sa pamunuan ng General Tinio, Nueva Ecija.