DILG No. 1 most wanted fugitive na si Ruben Ecleo, inaming napagod siyang magtago sa mga awtoridad

Tinanggap ng dating mambabatas at cult leader na si Ruben Ecleo Jr. ang pag-aresto sa kanya sa Pampanga matapos ang ilang taong pagtatago sa batas.

Si Ecleo ay convicted noong 2012 matapos ang pagpatay sa kanyang asawa na si Alona Bacolod noong 2002.

Ayon kay Ecleo, napagod na siya sa pagtatago mula sa mga awtoridad.


Sinabi niya na sa Pampanga lang siya nagtago sa loob ng halos siyam na taon.

Nakapamuhay siya nang normal sa kabila ng pagigitang wanted dahil walang nakakakilala sa kanya.

Pero itinatanggi pa rin ngayon ni Ecleo ang pagpatay sa kanyang asawa.

Inamin niya na gumagamit siya noon ng droga at minsan ay ikinonsidera niya ang kanyang sarili na sumuko sa mga awtoridad.

Facebook Comments