DILG Pangasinan hinimok na ireklamo ang mga LGU na nanamantala sa Road Clearing operations

Hinimok ng Department of Interior and Local Government Pangasinan ang mga Pangasinense na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga local government unit na nanamantala sa paggiba ng mga istruktura na hindi dapat gibain.

Ayon kay Provincial Director Randy Dela Rosa ng DILG, dapat umanong magpunta sa kanilang himpilan ang mga mga nagrereklamo upang kanilang maidulog ito sa mga mayor nang mapaalalahanan.

Bagamat hindi rin umano klaro sa memorandum ng DILG ang ukol sa pagputol ng mga puno sa road clearing operations dapat umanong sundin pa rin ang mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources.


Matatandaan na kaliwat kanan ang mga nagrereklamo ukol sa isinasagawang road clearing operations.

Facebook Comments