DILG, pinagsabihan ang motorcycle experts na ipaubaya na sa gobyerno ang pagtugon sa COVID-19

223

“Pagdating sa pandemic, huwag kayong magmarunong.”


Ito ang matapang na pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga kritiko ng paglalagay ng safety barrier sa pagitan ng motorcycle rider at angkas nito.

Ayon kay Año, nagpapasalamat siya kay Bohol Governor Arthur Yap sa panukalang paglalagay ng barrier sa motorsiklo para maiwasan ang COVID-19 transmission sa mga mag-asawa o magkasintahang magka-angkas.

Dagdag pa kalihim, maraming pilosopo, nagmamagaling at pumupuna rito.

Bagama’t batid ng pamahalaan na sila ay mga eksperto sa motorsiklo pero huwag silang magmamarunong sa pamahalaan pagdating sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments