DILG, pinuri si Manila Mayor Isko Moreno

Pinuri ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa mga hakbang nito para mapabuti at malinis ang lungsod.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing – dapat tularan ng ibang alkalde sa bansa si Moreno.

Ang mahigpit na clearing operations ay isang magandang template na dapat ipatupad ng iba’t-ibang LGUs.


Nagustuhan din ng DILG ang pagpapatanggal ni Mayor Isko sa pangalan ng mga pulitiko sa government projects.

Sa huli, nagbabala ang opisyal sa mga opisyal ng gobyerno na tatamad-tamad na maaari itong makasuhan dahil sa gross neglect of duty.

Facebook Comments