DILG Sec. Abalos, pinatututukan sa PNP ang cybercrimes at pagsugpo sa iligal na droga

56

Nagpahayag ng suporta si Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Philippine National Police o PNP.

Ito ang kaniyang sinabi sa unang pagharap nito sa mga pulis.

Ayon kay Abalos, suportado niya ang PNP sa pagpapatupad nito ng kanilang mandato na panatilihin ang kaayusan sa buong bansa.


Sinabi rin ni Abalos na handa niyang protektahan at kakampi niya ang mga pulis kung sila ay tutupad sa kanilang mga sinumpaang tungkulin at responsibilidad alinsunod sa batas.

Muli ring sinabi ng kalihim na magpapatuloy ang kampanya kontra sa iligal na droga sa ilalim ng kaniyang administrasyon, ngunit mas tutukan ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga suspek na sangkot sa iligal ng droga.

Nais din ng kalihim na sugpuin ang tumataas na bilang ng cybercrimes sa bansa.



Facebook Comments