DILG Sec. Año, balik-trabaho na sa April 16

76

Balik-trabaho na sa susunod na linggo si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año matapos ang kanyang mahabang medical leave.

Ayon kay DILG-OIC Bernardo Florece Jr., magbabalik-trabaho si Año sa Abril 16 matapos tamaan ng Coronavirus disease.


Gayunman, work-from-home status muna si Año para hindi masobrahan sa trabaho.

Matatandaang naghain si Año ng leave of absence noong Enero 11, 2021 matapos dalawang beses tamaan ng COVID-19 noong nakaraang taon.

Facebook Comments