DILG Sec. Año, nilinaw na hindi na maaring i-promote si NCRPO Chief Sinas

1051

Nilinaw ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na hindi na maaaring i-promote si National Capital Region Police Office Chief Maj. Gen. Debold Sinas.


Kasunod naman ito ng pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan na karapat-dapat si Sinas sa promotion o mas mataas na pwesto.

Ayon kay Año, kung ang pagbabatayan ay ang batas na lumikha sa PNP, ang isang police officer ay hindi maaaring ma-promote, isang taon bago ang nakatakdang pagreretiro sa serbisyo.

Si Sinas ay 55 years old na ngayon at wala nang isang taon siyang manunungkulan bilang miyembro ng Pambansang Pulisya.

Ngunit maaari naman aniyang tumaas ang ranggo ni Sinas kung siya ay itatalaga ni Pang. Rodrigo Duterte bilang susunod na PNP Chief.

Si Sinas ay itinalaga sa NCRPO noong October 12, 2019 at nakatakdang magretiro sa Mayo 8, 2021.

Facebook Comments