
Binigyan umano ng ilang opsyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng nakambang pag-aresto dito.
Ito ay matapos ihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan kahapon, May 28 ang mga kasong plunder at graft laban sa senador kaugnay ng alegasyon ng pagmamaneobra umano sa P355-M na insertions sa national budget noong 2025 kapalit ng 30% na komisyon.
Ayon kay Remulla, sinabi umano ni Estrada na pag iisipan niya ang nasabing mga opsyon.
Samantala, hindi naman umano isasapubliko ni Remulla ang umano’y opsyon na kaniyang ibinigay sa senador hanggat wala pang pinal na desisyon ang senador.
Facebook Comments










