Dilg Secretary Eduardo Año, nagsumite na kay Pangulong Duterte ng listahan ng pagpipilian na pumalit kay PNP Chief Guillermo Eleazar

Naisumite na ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang listahan ng posibleng maging susunod na pinuno ng Philippine National Police.

Ayon kay Año, limang pangalan ang kaniyang ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para pagpilian nito na pumalit kay PNP Chief General Guillermo Eleazar.

Nakatakdang magretiro si Eleazar sa susunod na linggo, November 13 kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan.


Nagsilbi itong pinuno ng PNP mula Mayo 8 ngayong taon matapos magretiro namana ang kaniyang pinalitan na si Police General Debold Sinas.

Facebook Comments