DILG, tutulungan ang mga magulang ng mga kabataang na-recruit ng komunistang grupo

Nangako ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tutulungan ang mga magulang ng mga kabataang na-recruit umano ng mga komunistang grupo.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, hahanapin nila ang mga nawawalang menor de edad.

Ang mga na-recruit na menor de edad aniya ay posibleng ipinakalat sa mga bundok para isama sa mga engkwentro kontra sa tropa ng pamahalaan.


Pinag-aaralan din ang memorandum of agreement sa pagitan ng mga State Universities and Colleges (SUCS) ukol sa dagdag na presensya ng pulisya sa bisinidad para maharang ang isinasagawang recruitment ng mga makakaliwang grupo.

Facebook Comments