DINAYA? | Delgra, dinuktor umano ang memo na nagpapahintulot sa ilang provincial buses na makabiyahe sa Metro Manila

125

Manila, Philippines – Inakusahan ni outgoing LTFRB Board Member Aileen Lizada si LTFRB Chairman Martin Delgra nang pangdodoktor sa Memorandum Circular number 022 na nagbibigay ng exemption sa 195 na mga provincial buses na makabiyahe sa Metro Manila.

Ayon kay Lizada, itinapal ni Delgra sa nasabing memo ang isang pahina na nanggaling sa ibang memo para palabasin na sang-ayon siya sa nasabing sistema.

Matatandaang ipinagbawal na ang pagbyahe ng mga provincial buses sa Metro Manila para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Mariing namang itinanggi ni Delgra ang umano ay malisosyong paratang ni Lizada.

Aniya, ang ikinabit niyang pahina na may lagda ni Lizada ay draft ng Memo no. 022 kaya naroon pa ang marginal notes nito na kontra sa nasabing sistema.

Giit naman ni Senadora Grace Poe, aniya, paano maipapatupad ng maayos ang point to point terminal tulad ng PITX kung may exempted o pinapayagan na mga provincial buses na dumaan sa Metro Manila.

Facebook Comments