Dingdong Dantes, napiling mamuno sa bagong tatag na League of Filipino Actors

83

Napili ang Kapuso star na si Dingdong Dantes na pamunuan ang Aktor o League of Filipino Actors na samahan ng mga artista sa telebisyon at pelikula.

Say ni Dingdong, layunin ng grupo na makalikha ng samahan ng mga artista para magkaroon ng boses sa usaping panlipunan at iba pang importanteng isyu na kinahaharap ng bansa.


Kabilang sa mga isyung nais nilang bigyang pansin ay ang Anti-Terror Bill, franchise renewal ng ABS-CBN, at ang protocols na inilabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Maliban kay Dingdong kasama rin dito sina Agot Isidro, Andoy Ranay, Angeli Bayani, Angelica Panganiban, at marami pang iba.

Facebook Comments