Dingdong Dantes, pinarangalan sa 15th Seoul International Drama Awards

40

Nagwagi ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

ito ay para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss sa local adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun ng GMA.

Sa kanyang acceptance speech, inialay ni Dingdong ang parangal sa kanyang pamilya at sa lahat ng frontliners sa mundo na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.

Nabatid na si Dingdong ang pang-apat na Kapuso star na nagwagi ng Asian Star Prize kasama sina Gabby Concepcion, Dennis Trillo at Alden Richards.

Facebook Comments