Dinukot na pulis-Valenzuela, patuloy pa ring pinaghahanap

Manila, Philippines – Pinaghahanap pa rin ang pulis-Valenzuela na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Caloocan.

Pinag-aaralan na ng Caloocan PNP ang CCTV footage kung saan nakunan ang ilang lalaki sa edsa na nanutok ng baril at dumukot kay PO1 Jomar Reyes noong 24 ng Agosto.

Binabalikan pa rin ng Caloocan PNP ang lahat ng dinaanan ng getaway van ng mga suspek.


Ayon kay Caloocan PNP O-I-C, Chief Insp. Ilustre Mendoza – sinisiyasat na nila ang mga narekober na plaka sa sasakyan ni Reyes.

Dagdag ni Mendoza – nais nilang kausapin ang ka-batch ni PO1 Reyes na isang nagngangalang PO2 Ramilo na kakausapin sana ni Reyes bago siya dinukot.

Nanawagan naman ang Caloocan PNP na itawag agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa anumang impormasyon sa nawawalang pulis.

Facebook Comments