Diokno, hindi na pipilitin na dumalo sa pagdinig ng Kamara

146

Manila, Philippines – Hindi na raw pipilitan pa ng Kamara si Budget Sec. Benjamin Diokno na dumalo sa kanilang pagdinig hinggil sa mga umano ay anomaliya sa 2019 national budget.

Sa halip, kakasuhan na lang daw ng committee on public account si Diokno sa Ombudsman.

Kaugnay ito ng umano ay conflict of interest sa P81-million na natanggap ng construction firm ng mga in-laws ng kalihim bilang bayad sa pagiging front sa mga infrastructure project ng pamahalaan.

Sabi ni house appropriations committee Chairman Rolando Andaya – kasado, kumpleto at hinog na ang kaso laban kay Diokno at sa Ombudsman na lang daw ito magpaliwanag.

Facebook Comments