Diplomatic passports ng mga dating DFA secretary, kakanselahin

47

Manila, Philippines – Kakanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang courtesy diplomatic passport ng lahat ng dating Philippine Ambassadors at DFA secretary.

Ito ay kasunod ng insidenteng kinasangkutan ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na isang holder ng diplomatic passport na hindi pinapasok sa Hong Kong.


Inatasan na ng DFA ang mga ito na i-surrender ang mga pasaporte sa kagawaran.

Giit ng DFA, inisyu ang diplomatic passport sa mga dating kalihim at ambassador pero ito ay isang courtesy lamang at hind diplomatic community.

Una nang sinabi ng Malacañang na pribado ang lakad ni Del Rosario at walang kinalaman sa gobyerno.

Facebook Comments

From Advertisers