Diplomatic protest laban sa China pinapasapubliko ng isang senador

Kumbinsido si Senator Sherwin Gatchalian na nagsampa si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ng diplomatic protest kaugnay sa dumaraming barko ng china sa West Philippine Sea.

 

gayunpaman, iginiit pa rin ni Gatchalian kay Locsin na isapuliko ang nilalaman ng diplomatic protest.

 

Pahayag ito ni Gatchalian kasunod ng post sa kanyang twitter account ni Locsin na hindi niya isasapubliko ang diplomatic protest at manigas ang naghahanap nito.


 

Ikinatwiran ni Gatchalian, alang alang sa transparency ay makabubuti na i-upload ang nabanggit na dokumento sa website ng department of foreign affairs.

Facebook Comments