Director General ng FDA sinibak sa posisyon

Inanunsiyo ngayon ng Palasyo ng MalacaƱan na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nela Charade G. Puno RPh Director General ng Food and drugs administration.

 

Sa binasang sulat ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo mula sa Office of the President na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang May 15 ay tinatanggal ng pangulo sa posisyon effective immediately si Puno.

 

Ang pagsibak aniya kay Puno ay sa harap ng atas ni Pangulong Duterte na tuldukan na ang katiwalian sa bansa at hindi narin naman pinalawig pa ni Panelo ang detalye ng kaso ni Puno.


Facebook Comments