Director ng Darna movie, nagbigay ng update sa gagamiting costume ni Liza Soberano bilang pinay superhero

56

Manila, Philippines – Nagbigay ngayon ng update ang director ng pelikulang “Darna” na si Erik Matti.
Bagamat matipid sa kaniyang mga sagot, sinabi ni Direc Erik na akma sa modernong panahon ang gagamitin na costume ng pinay superhero.

Maging ang gaganap na si Liza ay excited na din sa magiging itsura ng kaniyang costume kung saan hanggang ngayon ay marami pa din ang kumukwestiyon sa kakayahan nito para maging si Darna.

Pero para kay Direk Erik, wala ng iba pa na pwedeng gumanap na Darna maliban kay Liza.

Matatandaan na ang nasabing director ay naging kontrobersyal noong nakaraang buwan dahil sa negative na pahayag nito sa mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanila daw ibo-boycott ang mga gagawin nitong pelikula.

Facebook Comments