Director ng NBP Hospital, bukas din sa imbestigasyon ng NBI at Senado kaugnay ng pagkamatay sa COVID-19 ng high-profile inmates

Tiniyak ni New Bilibid Prison (NBP) Hospital Director Dr. Henry Fabro na bukas siya sa gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Senado kaugnay ng kontrobersiya sa pagkamatay sa COVID-19 ng Bilibid high-profile inmates.

Sa kanyang pagharap sa media, naging emosyonal si Dr. Fabro sa harap ng mga pagdududa sa pagkamatay sa COVID-19 ng grupo ni Jaybee Sebastian.

Ipinakita rin ni Fabro sa media ang larawan ng labi ni Sebastian at ng iba pang mga namatay na Chinese high-profile inmates para patunayan na walang foul play sa pagkamatay nito.


Gayunman, pinagbawalan ang media na kunan ng video at larawan ang photos.

Kinumpirma rin nito na mas maraming mga inmates sa Bilibid ang nakakarecover sa COVID-19.

Facebook Comments