Kasabay ng pagdiriwang ng ika-127 Independence day, idinaos ang makulay at masayang Pinoy food fiesta nitong June 12, 2025 sa SM Urdaneta City Pangasinan.
Tampok sa pagdiriwang ang iba’t-ibang pagkain na ipinagmamalaki ng bawat bayan sa Pangasinan kung saan nakalikha ito ng “Giant food platter” na ang dIsenyo ay hango sa mapa ng Probinsya.
Ikinamangha ito ng mga dumalo dahil sa ganda at kulay ng mga masasarap na delicacy tulad ng Puto Calasiao, Kutsinta, Banana and camote chips, Butong pakwan, Bibingka, Bangus shanghai at marami pang iba.
Hindi lamang tiyan ang binusog kundi pati na rin ang mga mata at isipan dahil sa mga tugtugin at sayawan na hango pa rin sa kultura ng Pilipinas.
Ang aktibidad ay masayang dinaluhan ng District 1 Hanggang district 6.
Ang ganitong aktibidad ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa makulay at mayaman na kultura ng Pangasinan at ng Pilipinas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣