DISKRIMINASYON | Pregnancy test policy ng Pines City College, ipinapahinto

73

Tumanggap din ng batikos mula kay Senator Sherwin Gatchalian ang mandatory pregnancy test policy na ipinapatupad ng Pines City College sa Baguio City.

Diin ni Gatchalian, ito ay malinaw na diskriminasyon at pagpapahiya sa mga kabahaihan.

Paliwanag pa ni Gatchalian, ito ay paglabag din sa nakapaloob sa ating konstitusyon na right to privacy at karapatan sa edukasyon ng mga kababaihan.

Giit ni Gatchalian sa Pines City College, magsagawa na lang ng orientation sa mga kababaihan patungkol sa panganib na hatid sa kanilang pagbubuntis ng bawat klase o kurso.

Ayon kay Gatchalian, ito ay kung totoo na layunin ng kanilang polisya na proteksyunan ang kalusugan ng mga kababaihan at sanggol sa kanilang sinapupunan.

Facebook Comments