Diskusyon sa regulasyon ng mga post sa social media, sinimulan na ng Malacañang

Gumugulong na ang diskusyon ng pamahalaan kung paano mari-regulate ang mga post sa social media sa gitna ng paglaganap ng fake news.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, talagang isang seryosong usapin na ang paglaganap ng fake news kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan aniya, maging ang Korte Suprema ay umaray na sa fake news matapos kumalat ang isang pekeng dokumento na nagpapakita ng isang petisyon nagpapabitiw sa pwesto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Kaya naman nakikita ng Palasyo na kinakailangan na ang whole-of-nation approach para matuldukan na ang problema sa disinformation sa online.

Hindi lamang pamahalaan ang dapat na kumilos sa usaping ito kundi pati na rin ang publiko.

Ito rin aniya ang rason kung bakit nagpapasaklolo sila sa mainstream media para mailabas ang mga tamang impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng fact checking.

Facebook Comments