Diskwento Caravan, muling isasagawa ng Las Piñas City Government ngayong araw

Magsasagawa muli ang pamahalaang lokal ng Las Piñas ng Diskwento Caravan ngayong araw mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) na layuning direktang i-alok sa mga residente ang abot-kaya at may discount pa sa presyo ng mga bilihin.

Idaraos ang Diskwento Caravan ngayon sa Barangay Talon Singko Covered Court.


Kaugnay nito, ipinaalala ng Las Pinas City Government sa mga mamimili ang mahigpit na pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask, pag-obserba sa physical distancing at pagsasanitize o madalas na paglilinis ng mga kamay.

Facebook Comments