DISMAYADO | Janella Salvador, nagpaliwanag sa hindi nito pagsipot sa kaniyang birthday party na inorganisa ng mga fans

104

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon ang teen star na si Janella Salvador matapos itong hindi makadalo sa kaniyang birthday party na inorganisa ng kaniyang mga fans.

Ayon kay Janella, nakaranas siya ng heatstroke kaya at hindi na tumuloy sa nasabing party kaya at agad siyang humihingi ng paumanhin sa kaniyang mga fans.

Say pa ng singer/aktres, hindi niya gusto ang nangyari at talagang excited daw siya na makasama ang kaniyang mga fans pero pinayuhan siya ng mga doktor na magpahinga muna.

Nabatid na March 30 talaga ang birthday ni Janella pero naisipan ng mga fans na gawin ito noong Linggo kung saan sumama ang kanilang loob ng hindi dumalo ang kanilang iniidolo.

Facebook Comments