DISMAYADO | One-on-one interview kay PRRD, walang kalaman-laman – Trillanes

219

Manila, Philippines – Dismayado si Senador Antonio Trillanes IV sa aniya ay walang lamang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng naging one-on-one interview ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Sa halip kasi aniya na magbigay ng solusyon sa mga problema ng bansa gaya ng mataas na bilihin, kapos na suplay ng bigas at traffic sa EDSA, mas mahaba pa ang naging diskusyon ng Pangulo sa pagbanat sa kanya.

Sinagot din ng senador ang akusasyon ni Pangulong Duterte na pumasok ang kanyang mga magulang sa supply transaction ng Philippine Navy noong nasa serbisyo pa ito.

Giit ng senador, hindi kurakot ang kanyang mga magulang.

Dumipensa rin si Trillanes sa isyu naman ng Scarborough pinuna naman ni Trillanes ang paraan ng pananalita ng Pangulo na animo ay lasing.

Paniwala niya, may karamdaman ang Pangulo at dapat na mailantad sa publiko ang health records nito.

Facebook Comments