Dismissal order laban kay Police Sergeant Zinampan, nilagdaan na ni PNP Chief Eleazar

Nilagdaan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang dismissal order laban kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan.

Si Zinampan ang pulis na nakunan ng video sa aktong pagbaril at pagpatay sa isang 52 taong gulang na babae sa Fairview, Quezon City noong May 31.

Ayon kay Eleazar, natuklasang guilty sa kasong grave misconduct si Zinampan na posibleng lango sa alak nang maganap ang insidente.


Tiniyak naman ni Eleazar na susunod sa mga polisiya ang gagawing imbestigasyon na dumaan sa Discipline, Law and Order Division (DLOD) sa ilalim ng Directorate for Personnel Records and Management (DPRM).

Sa ngayon, pagtitiyak ni Eleazar na ang pagkakatanggal kay PMS Zinampan sa serbisyo ay isa lamang sa mga patunay na hindi kinukunsinti ang mga pang-aabuso at mga kamalian sa hanay ng PNP.

Facebook Comments