DISMISSED DRUG CASE | Prosecutor General Catalan at Senior Assistant State Prosecutor Gingoyon, kasama sa pinaiimbestigahan sa NBI

81

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Undersec. Erickson Balmes na kasama sa pina-iimbestigahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa NBI sina Prosecutor General Jorge Catalan Jr. at Senior Assistant State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon. Sina Catalan at Gingoyon kasi ang nag-apruba sa resolusyon na nag-absuwelto sa drug case laban sa grupo nina Kerwin Espinosa at Peter Lim. Kasama rin sa pina-iimbestigahan ni Aguirre sa NBI ang panel of prosecutors kinabibilangan nina Assistant State Prosecutors Aristotle Reyes at Michael John Humarang. Sina Reyes at Humarang ang nagpalabas ng desisyon na nagbabasura sa drug case nina Lim, Espinosa, Peter Co, Max Miro, Lovely Impal, Marcelo Adorco, Ruel Malindagan, Jun Pepito at iba pa. Samantala, nagtungo na sa Department of Justice si Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica para kumuha ng kopya ng nasabing resolusyon na aniyay kanilang pag-aaralan.

Facebook Comments