DISMISSED DRUG CASES | Mga prosecutors na nag-abswelto kay Kerwin Espinosa, pinasususpinde ng PACC

Manila, Philippines – Inirerekomenda ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng Preventive Suspension ang mga Prosecutors na nag abswelto sa kaso ni Espinosa at iba pa.

Sa ginanap na Presscon sa Manila Yatch Club sinabi ni PACC Commissioner Belgica na dapat tulungan ng DOJ ang mga pulis upang maayos ang kaso dahil talagang nagtutulungan ang mga Fiscal at Pulis sa mga sensitibong kaso kung sa tingin nila ay mahina ang kaso isinampa sa drug lord na si Kerwin Espinosa.

Paliwanag ni Belgica na irerekomenda nila kay Pangulong Duterte na sampahan ng preventive suspension ang mga Prosecutors na nag-absweldo sa kaso ni Espinosa na sina Assistant Prosecutors Michael John Humarang, Aristotle Reyes, Senior Prosecutor Rassendel Rex Gingoyon at inaprubahan naman ni dating Acting Prosecutor General Jorge Catalan.


Dagdag pa ni Belgica na magsasagawa rin sila ng Life Style checks sa mga Prosecutor na nag-abswelto sa kaso ng drug lord na si Espinosa at iba pa upang malaman kung saan galing ang mga kayamanan kanilang nakuha.

Facebook Comments