DISTRIBUSYON NG PLAKA REGION 1, PINALAWIG HANGGANG SABADO

Pinalawig ng Land Transportation Office Region 1 ang operasyon ng mga opisina hanggang Sabado upang mapabilis ang distribusyon ng plaka ng mga sasakyan.
Ayon sa tanggapan, magpapatuloy ang sistema hanggang sa mga susunod na buwan upang matiyak na matugunan ang matagal nang backlog sa plaka ng mga motorista sa rehiyon.
Nakatakdang magsimula ang implementasyon ng ‘No Plate, No Travel’ Policy sa Setyembre ngayong taon, na nagsasaad ng pagbabawal sa pagbyahe ng mga sasakyan na walang plaka sa mga kakalsadahan.
Ang mandato ay mula sa Department of Transportation at Land Transportation Office upang maisulong ang pagkakaroon ng kaukulang dokumento at permit para sa responsableng paglalakbay sa mga pampublikong kakalsadahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments