Dividends mula sa GOCCs, isinusulong na paghugutan ng pondo sa Bayanihan 3

82

Inirekomenda ni Assistant Majority Leader at Cebu Rep. Eduardo Gullas na paghugutan ng pondo para sa Bayanihan 3 ang cash dividends mula sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs)

Ayon kay Gullas sa ilalim ng Republic Act 7656, obligado ang mga GOCCs na magdeklara ng cash dividends at i-remit ang 50% ng net earnings sa National Treasury.

Magkagayunman, nakasaad sa batas na may kapangyarihan ang Pangulo, sa ilalim din ng rekomendasyon ng Secretary of Finance, na itaas ang dividend payout ng GOCCs nang higit sa 50%.


Tinukoy ni Gullas na sa kabila ng pandemya ay maraming GOCCs ang kumikita ng maayos.

Facebook Comments