DIVISION LEADERSHIP TRAINING SA BAYAN NG LAOAC, MULING ISINAGAWA PAGKATAPOS NG TATLONG TAONG PANDEMYA

Muling Isinagawa ang kauna-unahang face-to-face Division Leadership Training na may temang “WE ARE SERVANT LEADERS” sa bayan ng Laoac matapos ang tatlong taong pandemyang natigil ito.
Nilahukan ang nasabing pagsasanay ng Supreme Student Goverment (SSG) Officers at mga guro mula sa iba’t-ibang eskwelahan ng ikaapat, ikalima at ikaanim na distrito sa lalawigan ng Pangasinan.
Layunin ng training na mas pag igtingin ang kaalaman at kamalayan ukol sa leadership at seminars na siyang makatutulong sa pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga estudyante.

Samantala, magtatagal ang programa ng tatlong sabado na nag-umpisa na noong May 20, at magpapatuloy hanggang May 27, at June 3. |ifmnews
Facebook Comments