Dizon, umaasang irerekonsidera ni Magalong ang kanyang pagbibitiw

25

Umaasa si Testing Czar Vince Dizon na irerekonsidera ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kanyang resignation bilang Contact Tracing Czar.

Ayon kay Dizon, hindi mapapantayan ang trabaho ni Magalong at isa siyang “ultimate public servant.”


Dagdag pa ni Dizon, mapagkumbaba si Magalong, may kredibilidad at integridad.

Hindi rin patas aniya na mabatikos si Magalong at kanyang pamilya dahil lamang sa dinaluhan nilang kontrobersyal na party.

Noong January 30, naghain si Magalong ng kanyang irrevocable resignation bilang Contact Tracing Czar matapos umani ng batikos dahil sa pagdalo niya sa party ng social media personality na si Tim Yap.

Ang resignation ni Magalong ay hindi tinanggap ng National Task Force against COVID-19.




Facebook Comments