DJ Loonyo, nagsalita na sa tunay na nararamdaman kay Ivana Alawi

513

Usap-usapan ngayon sa social media ang naudlot na magandang samahan sa pagitan nina Ivana Alawi at DJ Loonyo, o kilala sa tambalang LooVana.

Ito’y matapos na in-unfollow ni Ivana si DJ Loonyo sa Instagram at sa Twitter.


Ang itinuturong dahilan daw ay isang non-showbiz girl na nauugnay sa binata.

Kasabay nito, nagsalita na si DJ Loonyo sa pananahimik niya sa isyu.

Sa pamamagitan ng Instagram Live, inamin ni DJ Loonyo na dumistansiya na sa kanya si Ivana.

Pero, wala raw kinalaman ito sa kontrobersiya kung saan sangkot ang kaibigan ni DJ Loonyo na pinangalanan niyang “Claire.”

Say ni DJ Loonyo, kailangan niyang magsalita para matigil na ang mga basher sa paninira lalo na’t hindi deserve ni Ivana at Claire ito.




Inamin ni DJ Loonyo na nahulog daw ang loob niya sa actress-YouTuber mula nang gawin nila ang boyfriend prank video.

Hanggang sa tuluyang nanligaw na raw si DJ Loonyo kay Ivana.

Pero, ito raw ay naputol nang hindi siya nagparamdam kay Ivana ng isang linggo dahil sa personal na problema na ikinasama ng loob ng dalaga.

Sa huli, inako ni DJ Loonyo na siya ang puno’t dulo ng kontrobersiya.

Facebook Comments