
Nagbukas na ng hotline ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga Pilipinong naiipit sa sagupaan ng Israel at Iran.
Ang help desk ng DMW at OWWA ay hindi lamang para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kundi maging sa kanilang mga pamilya.
Ito ay lalo na’t pansamantalang isinara ang airspace sa Iran, Israel, Jordan, Syria, at Iraq sa gitna ng missile attacks ng Israel sa Iran.
Una nang sinuspinde ng Iran ang Domestic at International flights nito sa harap ng pagpapaulan ng missile ng Israel.
Facebook Comments