DMW, kinumpirmang ligtas ang 12 Filipino crew members na sakay ng Dutch-flagged vessel na inatake ng Houthi sa Gulf of Aden

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang 12 Filipino crew members na sakay ng Dutch-flagged cargo vessel Minervagracht na inatake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

Ayon sa DMW, nailipat na sa ligtas na lugar ang Filipino seafarers, kasama ang mga marinong Russian, Ukrainian, at Sri Lankan.

Tiniyak naman ng DMW na dadating sa Pilipinas ngayong weekend ang 12 nakaligtas na Filipino crew members.

Nakaabang na anila sa mga Pinoy ang Philippine Labor Attaché mula sa hindi pinangalanang bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa shipowners para sa repatriation ng mga ito.

Nakausap na rin ng DMW ang pamilya ng Pinoy seafarers at inaalalayan sila ng migrant officers.

Facebook Comments