Sunday, June 14, 2026

DMW, nakipagpulong sa shipowners, principals, at manning agencies sa Greece para sa kapakanan ng Pinoy seafarers

Nakipagpulong ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) sa shipowners, principals, manning agencies, at iba pang maritime stakeholders sa Greece para talakayin ang developments sa global shipping industry.

Tinalakay din ang mga hamon na kinakaharap ng seafarers, gayundin ang mga mahahalahang hakbang para sa ligtas na working conditions ng Pinoy seafarers sa karagatan.

Binuksan din ng DMW officials ang mga hakbang para maprotektahan ang mga Pinoy seafarers sa mapanganib na pagdaan sa Strait of Hormuz at iba pang security at geopolitical concerns.

Ginawa ang pagpupulong kasabay ng idinaos na Posidonia 2026 sa Athens, Greece, kung saan ito ang itinuturing na world’s leading maritime exhibitions at conferences.

Facebook Comments