
Nagpaalala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa lahat ng manggagawang Pilipino sa Israel.
Kaugnay ito sa kasalukuyang security situation sa nabanggit na bansa at sa rehiyon.
Batay sa inilabas na advisory ng DMW, pinaalalahanan ng kagawaran na sundin ang mga abiso ng Embahada ng Pilipinas sa naturang bansa.
Samantala, patuloy naman na mino-monitor ng Migrant Worker Department ang Israel sa pamamagitan ng Migrant Workers Office katuwang ang Philippine Embassy habang patuloy na nagbibigay ng napapanahong paalala para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Hinihikayat din nila ang mga OFW na sundin ang ilang mga paalala gaya ng;
Regular na pagsubay sa mga balita at opisyal na abiso ng IDF Home Front Command para sa anumang pagbabago sa safety guidelines;
Tukuyin ang pinakamalapit na shelter sa lugar at maging handa at pumasok kung sakaling makatanggap man ng urgent alert gaya sa text, app, o di kaya kapag tumunog na ang sirena, at;
Manatiling maingat, alerto, at iwasan ang mga lugar na may potensyal na panganib.










