DND, itinangging may Red-Tagging sa sila sa ilang grupo

Itinanggi ng Department of National Defense (DND) na may ginawa silang Red-Tagging sa ilang grupo.

Ito ay matapos pumalag ang Gabriela Party-List nang maisama sila sa listahan sa presentation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga grupong may kaugnayan sa Communist Terrorist Group.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, lahat ng nasa kanilang listahan ay may basehan.


Base ito sa mga nahuhuli o nakaka-enkwentro ng militar sa bakbakan.

Pinabulaanan din ng kalihim na Martial Law ang ginagawa ng gobyerno sa pagkakataong ito.

Nanindigan din ang DND na patuloy silang nagsusumikap para maiangat ang kanilang serbisyo at magkaroon ng maayos na pagbabantay sa mga teritoryo.

Facebook Comments