DND, kinumpirmang nakaalis na sa Camp Aguinaldo si Pemberton

40

Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) na nakaalis na sa Camp Aguinaldo si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay DND Spokesman Arsenio Andolong, nagkaroon na sila ng prankang diskusyon sa American counterparts nito para masigurong hindi na mauulit ang kaparehong insidente sangkot ang visiting military personnel.

Bubuo at magpapatupad din aniya sila ng mas mahigpit na guidelines sakaling magkaroon muli ng joint exercises ang Pilipinas at Amerika at kung mananatiling suspendido ang terminasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Una rito, sinabi ng Bureau of Immigration na eksakto alas-9:14 kaninang umaga nang umalis sa Ninoy Aquino International Airport si Pemberton sakay ng military plane.

Facebook Comments