DND, nakikiramay sa pamilya ng dalawang namatay sa pagsabog kahapon sa kanilang GA sa Bataan

36

Nagpaabot ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa naiwang pamilya ng dalawang tauhan ng Government Arsenal (GA) facility.

Ang dalawang tauhan ng GA ay nasawi matapos ang nangyaring pagsabog kahapon sa naturang pasilidad, habang may 2 naman ang nasugatan.


Ayon kay Lorenzana, nasawi ang dalawang tauhan ng GA habang naka-duty na kinilalang sina Ricardo Solomon, 40-anyos at Marvin Tatel, 38-anyos.

Ang mga sugatan naman ay kinilalang sina Macreldo Rodriguez, at Allann Wisco.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng pagsabog.

Tiniyak ni Lorenzana ang tulong at benepisyo ng mga pamilya ng nasawi at nasugatan.



Facebook Comments