DND Sec. Lorenzana, umapela sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Anti-Terror Law

152

Hinimok ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang publiko na basahin at unawain ang nilalaman ng Anti-Terrorism Law.

Apela ng kalihim, bigyan ng pagkakataon ang batas at huwag magpadala sa misinformation at disinformation ukol dito.


Aniya, kailangan ang nasabing batas para mabigyan ng ‘necessary power’ ang mga law enforcement agency para labanan ang mga terorista sa bansa.

Pagtitiyak ni Lorenzana, mahigpit na ipatutupad ang Anti-Terror Law at hindi ito maaabuso.

Biyernes nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Law sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo.

Facebook Comments