DOE, aapela sa mga kompanya ng langis bukas na huwag munang ipatupad ang ikalawang yugto ng taas presyo sa petrolyo sa Huwebes

Makikipagpulong ang Department of Energy sa mga kumpanya ng langis bukas para i-apela na huwag munang ipatupad ang ikalawang yugto ng hinating taas presyo sa mga produktong petrolyo sa Huwebes.

Sa Malacanang press briefing, sinabi ni DOE Officer-in-Charge Sharon Garin, ngayong araw ay ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang staggered o kalahati ng ipinataw na taas presyo sa mga produktong petrolyo at sa huwebes dapat ang panibagong kalahati.

Pero ngayong araw aniya ay bumaba sa 69 dollar per barrel ang presyo ng krudo sa world market.

Kaya naman ipapakiusap nila sa mga kumpanya ng langis na huwag munang ipataw ang kalahati ng taas presyo at hintayin ang magiging galaw ng presyo ng langis sa world market.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Garin sa kooperasyon ng mga oil company na hindi nagpatupad ng isang bagsakan ang dagdag presyo dahil na rin sa pakiusap na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maibsan ang bigat ng epekto nito sa publiko.

Facebook Comments