Thursday, August 13, 2026

DOE, inanunsyo ang bahagyang pagtaas bukas ng presyo ng diesel at gasolina; LPG, tataas din

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang bahagyang pagtaas bukas sa presyo ng diesel, gasolina at LPG.

Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, 2.66 ang itataas sa diesel, 2.21 naman sa gasolina, habang may bawas-presyo sa kerosene na 3.53

Kinumpirma naman ni Garin na may pagtaas din ng 13.42 pesos sa presyo ng 11-kilogram na LPG.

Kinumpirma naman ni Garin na nabawasan ang konsumo ng bansa sa langis.

Tiniyak din ng kalihim na may 53 days na buffer stock ng diesel at gasolina ang bansa.

Habang 167 days ang buffer stock sa kerosene, 71 days sa jet fuel, 62 days sa fuel oil at 40 days sa LPG.

Facebook Comments