DOE, inanunsyo ang price freeze sa LPG at kerosene sa lalawigan ng Cavite

61

Inihayag ng pamunuan ng Department of Energy (DOE) ang price freeze ng produktong LPG at kerosene sa lalawigan ng Cavite matapos magdeklara ng state of calamity.

Batay sa abiso ng DOE, tatagal ito ng 15 araw kung saan nagsimula ito kahapon, November 1 at matatapos sa November 15.


Ipatutupad naman ang price rollback habang umiiral ang price freeze ngunit hindi naman puwede magpatupad ng price increase ng mga naturang produkto sa loob ng 15 araw.

Kahapon, idineklara ni Governor Jonvic Remulla na nasa ilalim na ng state of calamity ang Cavite matapos na lubhang maapektuhan ang lalawigan ng Bagyong Rolly.

Facebook Comments