DOE, inirekomenda sa Pangulo na gawing “National Green Building Day” ang September 8

42

Inihayag ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi na inirekomenda nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing “National Green Building Day” ang September 8, 2020.

Ayon kay Cusi, mapalalakas nito ang promosyon at pagtatag ng energy efficient at green buildings sa buong bansa.


Ang rekomendasyon ni Cusi ay kasabay ng pagdiriwang ngayong buwan ng Green Building Month.

Kaugnay nito, nagkaroon ng digital conference na may virtual episode ng Building Green 2020 o BG2020 na may temang “Conserve + Optimize + Renew = Zero”, na alinsunod din ito sa Republic Act 11285 o EEC Act.

Magkakaroon din ng iba’t ibang topic sa kanilang pag-uusapan habang nagpapatuloy ang Building Green 2020 Digital Conference na nagsimula na kahapon September 8, 2020 hanggang sa katapusan ng buwan na ito.

Kung saan katuwang nito ang Philippine Green Building Council (PhilGBC).




Facebook Comments