Naglabas na ang Department of Energy o DOE ng Notice of Award para sa 12 posibleng matagumpay na proyekto sa ilalim ng Special Green Energy Auction for Waste-to-Energy o GEA-WTE.
Kabilang sa mga proyektong ito ang mga panukalang pasilidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao, matapos isagawa ng ahensya ang pagsusuri at beripikasyon sa mga isinumiteng bid.
Inaatasan naman ang mga posibleng mapiling bidder na isumite ang mga kinakailangang dokumento matapos ang auction sa loob ng 30 araw sa kalendaryo mula nang mailathala ang Notice of Award.
Gayunman, nakadepende pa rin sa pagtupad ng mga bidder sa mga itinakdang kondisyon at requirements ng Special GEA-WTE ang pinal na pagkakaloob ng Certificates of Award.
Layunin ng naturang programa na isulong ang paggamit ng waste-to-energy technology bilang bahagi ng mga hakbang sa pagpapalawak ng renewable energy at mas maayos na pamamahala ng basura sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










