
Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Energy o DOE sa mga energy sector stakeholders para sa pagkukumpuni mga linya ng kuryente na naapektuhan ng pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani Province.
Ayon kay DOE Sec. Sharon Garin, ang kanilang hakbang ay para suportahan ang mabilis at ligtas na pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa naturang rehiyon.
Nais aniya nilang tiyakin ang tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya sa mga lugar na apektado ng malakas na lindol.
Binigyang diin ni Garin ang kahalagahan ng suplay ng kuryente lalo na sa mga ospital, evacuation centers at sa mga serbisyong pang-emergency na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Kasabay nito, mahigpit ding mino-monitor ng DOE ang fuel supply chain para matiyak na sapat ang suplay ng produktong petrolyo at nanatiling operational ang kanilang pasilidad at retail stations.










